Blogging Pinoy

The Blog Created By Pinoy For Pinoy's

Thursday, December 15, 2016

How To Make Money From Blog - BloggingPinoyBlog

Do you ever wonder? Paano kaya sila kumikita sa pagba-blog? You've come to the right place. As a 5-years old blogger, this post will teach how you can earn money from blogging.

blog

Mga bagay na kailangan mo to earn money from blog.


Blog. Simple. It's the easiest part on how to start a blog.
  1. Mahalagang content. Once na magkaroon ka nang blog, wala kang ibang kailangang gawin kung hindi ang magsulat. It will be based on your experience about your chosen topic. Make your post excellent. Kung gusto mong kumita ng pera, kailangan mo ng mga visitors (readers) tagabasa, in order to get them, kinakailangan may content or article ka na makakatulong or kapaki-pakinabang sa kanila.
  2. Relasyon. Habang gumagawa ka nang valuable content, start building your community through social medias, forums, groups, backlinking, commenting on other blogs and so on. Matuto kang magreach-out sa mga taong may gusto sa niche mo. Maghanap ka ng mga taong pwedeng gamitin ang informations from your blog. Kilalanin mo sila, maging friendly ka sa kanila and tulungan sila kung paano mo maseshare ang iyong expertise. 
  3. Good platform. Gamitin mo ang iyong blog para makakuha ng exposure, build community, gain trust, at maging helpful sa kanila.

Mga bagay na kailangang tandaan upang kumita ng pera sa blogging.
  • Karamihan sa mga kumikita sa blog ngayon ay hindi nanggagaling sa mismong pagba-blog lang. Ang blog ay isang platform or online home base. Ang mga bloggers ay ginagamit ang kanilang blog para makapag promote ng products or mag offer nang iba't ibang services kung saan ay pwede kang kumita. Ang halimbawa sa mga ito ay: ebooks, books, products and e-courses.
  • Kung gusto mong kumita sa pagba blog, it takes time and being creative. 
  • Each bloggers has a different income streams, iba iba ang paraan nila para kumita ng pera online not just by blogging itself. Maraming possibilities, maghanap ka ng magandang combinations na sure kang magwowork sa iyo.
  • Ang mga successful bloggers are exploring new ways para kumita online. Ang susi sa paggawa ng magandang kita bilang isang blogger ay upang magkaroon ng maramihang source of income. Kahit maliliit na income streams ay makakadagdag din.
  • Hopefully, nagba-blog ka tungkol sa mga bagay na gusto mong gawin or ginagawa.

Mga paraang kung bakit kumikita nang pera ang isang blogger:
  1. Advertising
  2. Affiliate marketing
  3. Digital Products
  4. Physical products
  5. Services
Hindi katulad nang mga ibang categories, ang advertising ay tungkol sa pagkakaroon ng earnings directly from your blog, website, etc.,

Display Ads
These are graphics or images na may pagkakapareho sa billboards or ads sa isang magazine. Makikita ito mismo sa iyong blog's sidebar, header or footer or sa mismong blog content mo. They are also called "banner ads".

Ang mga ads sa blog ay sinadya upang makadagdag sa content nang iyong blog. mas magiging attractive ito sa mga visitors mo. Ang mga visitors mo ay umaasa na someone will click on those images to explore or bilhin ang products or services na inooffer mo.

Ang mga ads ay provided ng tinatawag na 'ad network'. Ang mga ad networks ay ang kumpanya na tumutulong para mag-connect ang advertisers at bloggers. Ad networks ang nagsisilbing middleman sa publishers (bloggers) at advertisers.

Ilan sa mga ad networks, like Google Adsense, ay isa sa madaling i-setup. Other examples of ad networks are: Google Adsense, Blogads, Beacon Ads, Bidvertiser and many more.

Can you really make money with Google AdSense?

Isa ito sa mga maganda at popular na tanong. Ang Google Adsense ang pinaka popular na ad network. Walang duda, lagi mo itong nakikita sa iba't ibang webpages online.

Ang Adsense Ads come in various shapes and forms, minsan sila ay mga images, minsan naman ay mga texts ads. Kadalasan na makikita sila sa sidebars, header or footers, or sa article or posts, at depende kung saan gustong ilagay ng blog owner.

Ang adsense ang magandang lugar para sa mga taong nagsisimula palang mag blog, na gusto ring mag display ng ads sa kanilang page. However, kung gusto mo talagang kumita ng pera dito, kailangan ay maging kakaiba or uniue ang iyong "niche" na kung saan ang mga advertisers ay magbabayad ng malaking pera sa bawat clicks sa mga ads na ito, or kung maraming traffic ang isang blog.


1 comment:

  1. Karagdagan kailangan dn ng magandang post at atractive sa tao para maclick ang google ads... kunting tyaga lang siguradong isa kana dn mauuna sa mga blogger sa pinas

    ReplyDelete