Naisip mo na ba? How To Start A Blog?? Natutuwa ako at nandito ka ngayon! Ang goal ko ngayon is to explain to you yung mga bagay at necessary steps kung paano mag start at maging successful in terms of blogging. No need for you to be technical, this is the site I wish I had 10 years ago.
I started creating my first blog, year 2010, well I must say na may knowledge ako when it comes to computer but hindi ako ganun kagaling pumick-up ng mga instructions although when I'm trying to search on Google, zero pa rin after ko basahin lahat.. LOL..
Why Start A Blog?
Maraming paraan ang pwede nating i-consider, ilan sa mga ito ay:
Kumita ng pera habang nagtatrabaho sa bahay (Make money online working from home...
Sa ngayon, hindi pa gaanong kalaki ang kinikita ko sa pagba-blog pero mas mabuti nang may kinikita ka sa pagtyatyaga kaysa sa wala.
Magkaroon ng exposure para sa iyong business...
Ang pagba-blog ay isang paraan para mai-market or maipromote ang iyong business. Isan rin itoong way para maabot yung mga taong gustong makakita at makaalam ng types ng blog mo.
Just Blog and Write...
Kung gusto mong magsulat at mag share through blogging, go lang, inspire others, and start building your community. Ang blogging ang isang paraan para gawin lahat ng yan.
Nakikita mo ba ang potensyal mo sa pagba-blog sa mga examples na ibinigay ko? Well, let's start and run your first blog.
Basic Steps To Start A Blog (Mga Paraan Kung Paano Magsimula Ng Blog)
- Isipin kung ano ang gusto at hilig mong i-blog
- Pumili sa mga Blogging platforms
- Maghanap ng hosting sites
- Mag-isip ng magandang domain
- Customize and start designing your blog
Step 1: Isipin Kung Ano Ang Gustong i-Blog
Since you will be doing and creating your blog for your personal use, naexplain ko na sa taas kung paano ka magdedecide ng sarili mong blog. Pero ang mga importanteng bagay na dapat tandaan ay:
- Gumawa ng blog na patungkol sa mga bagay na nae-enjoy mong gawin
- Mag-blog ng mga bagay na pwede magkaroon ng discussions
- And the important part is, pumili ng "niche" ang pwede mong ma-establish ang sarili mo
Step 2: Pumili ng Blogging Platforms
May iba't ibang serbisyo online na pwede mong pagpilian to start blogging. Since your just starting your own, piliin mo yung mga blogging platforms na may free service, ang disadvantage lang nito ay limitado ang mga pwede mong gawin. Sa mga blogging platforms online, Wordpress, is by far, ang pinakapopular.
Wordpress ang ginagamit ko sa ngayon dahil mas user-friendly ito at madaling i-navigate. Madali ang mga functions and mas maraming tao ang gumagamit nito worldwide. Huwag kang mag-alala, kung website ang gusto mo without a blog, madali na lang ito sa Wordpress gawin.
Caution! In Wordpress, may dalawa tayong pwede pagpilian ng way of blogging, karamihan sa nagba-blog ay nalilito kung ano ang pagkakaiba ng dalawang ito so explain ko nalang here:
- Hosted - Ang hosted blogs ay tumutukoy sa "wordpress.com" blogs
- Self-Hosted - Ang self-hosted blogs ay tumutukoy naman sa "wordpress.org" blogs
Step 3: Maghanap ng Hosting Site (Find A Host)
Ang hosting sites ang magbibigay ng "server space" para sa iyong blog. This will allow others para makita ang blog/site mo online. I will give you two best options to choose a blog host.
BLUEHOST
HOSTGATOR
All you need to do is to pick your chosen plan, sa ngayon, kung gusto mo munang mag try ng free service, okay lang naman kahit hindi ka muna mag purchase ng hosting plan.
Step 4: Mag-isip ng Domain (Pick Your Domain)
Ang domain ay ang iyong "web address". Halimbawa, "bloggingpinoyblog.com" ang domain na gamit ko. Since free hosted blogs lang ang gagawin mo, hindi mo na kailangan pang pumili ng domain name para sa iyong blog sa ngayon. But if you wish to get your own domain, may option and Wordpress kung gusto mong mag create ng bagong domain or kung may existing domain ka nang gustong gamitin.
Tips For Choosing A Domain!
- Ang goal natin ay yung domain na madaling matandaan
- Piliin mo yung (.com) domain kung possible. People online always assume na (.com) ang ang iyong blog.
- Dapat madali itong sabihin at i-spell
- Iwasang maglagay ng hypens or numbers na maaring makalito
- Kung hindi ka pa sigurado kung anong domain ang iyong gagamitin, mas maganda na ang iyong pangalan na lang iyong gawing domain.
Step 5: Customize and Start designing your blog
Congratulations! Isa ka nang certified hosted Wordpress site blogger. Make sure na maging professional when it come's in designing your blog, maeengganyo ang ilang subscriber mo kung ang design nang iyong blog ay simple at malinis.
No comments:
Post a Comment