Blogging Pinoy

The Blog Created By Pinoy For Pinoy's

Tuesday, December 13, 2016

How To Gain More Views / Traffic to Your Blog

Drive Traffic To Your Blog

Kalimitan na tanong ngayon ay kung paano mag 'start ng blog' (How to Blog). Or kung paano mapapadami ang traffic/numbers of visitors to your blog. Alam naman natin na isang importanteng parte ng pagba-blog ay ang dami ng subscribers na paulit ulit na nagbu-view ng mga pages mo.

traffic

Ang bilang nang page view sa kada visitors will vary from blog to blog. Pero may mga dahilan din kung bakit mas gusto ng mga blogger na mas maparami ang mga ito, including:

  • Uniqueness - kung mas marami ang nagbu-view ng iyong pages due it's uniqueness, marketing strategy na rin ito para sila ay paulit ulit na bumalik.
  • Earnings - lahat ng ads na makikita sa isang blog ay bumabase sa gaano kaganda ang content ng isang website/blog. Note: More ads, more earnings!

Kung gusto mong tumaas ang page views mo or hindi,walang problema dahil iba't iba ang mga priority ng isang blogger. But if you choose to increase page views, I have some pointers and tips to share with you:

Iugnay ang iyong mga posts/articles
Isa sa pinakamadaling paraan upang mas maparami ang views or traffic na isang blog ay ang pagkakaroon ng links sa iba mo pang blog posts/articles (posts from within the posts). Pero nakakatawang isipin na parang ipino-promote lang natin ang sarili nating posts sa ibang posts sa iyong blog. Napansin ko na mas naappreciate ng mga readers ang ganitong technique at nagkakaroon ng kabuluhan kung patungkol saan ang topic / niche na iyong blog. Karamihan sa blogger ay paulit ulit na nili-link ang kanilang posts sa iba't ibang articles nila, one way of marketing ika nga. 

Highlight related posts
Another way of interlink your posts is to highlight related posts to them or sa huling part ng bawat articles mo (see screenshot below). Syempre pwede mo ito gawin manually, by simply creating links that your readers may be interested to. 
How To Gain More Views / Traffic to Your Blog

Add Newsletter or Email Subscription Link
Isa rin sa mga napansin ko ay ay paglalagay nang email newsletters or email subscription link. Since naging interesado ang iyong readers sa content ng blog mo, may choice sila na maging updated sa lahat ng mga blog posts/artciles na gagawin mo. Some people may ignore it on their email to avoid spam but some of them accept it, so no need to worry. Ang main goal mo dito ay hindi lang paramihin ang iyong reader and viewers, kundi ang paramihin din ang iyong page views. There are services that will automatically notify readers of your new posts na tingin ko makakatulong, (Feedburner).

Construct a Series of Posts
Ang pagsusulat nang magkakasunod na articles at pag update/post nito sa iyong blog ay isang epektibong paraan para ma-build at maparami ang iyong traffic. For blogger starters, mapapansin mo na sinusubaybayan ng iyong reader ang bawat post mo, dahil dito mas naeengganyo silang balikan nang paulit ulit ang iyong blog. If you would link your first post as part of creating and starting your first blog, possible na mabasa nang iyong reader ang lahat ng iyong post na may kinalaman sa isa't isa ang content.

Gumamit nang "Read more.." sa iyong Front Page
Kung nagsusulat ka nang mahabang article or blog, gumamit ka ng mga extended entry link para mas makahikayat ka nang maraming traffic sa bawat pages mo. Huwag mong gawin lahat 'to sa post mo, maaring makairita or disturbing ito sa mga readers mo. I think halos lahat ng bloggers ginagawa ito, mas mahaba ang post or content ng post, mas makakatulong ito sa lahat ng readers mo.

Maglagay ng "Search Feature"
Mas nakakarami ng page views kung maglalagay ka nang Search Feature sa iyong blog para mahanap ng mga readers mo ang iyong previous topics. Karamihan sa mga blogging platforms ay built-in na ito, may ganitong features din ang Adsense na kung saan ay may kakayahang mag search ng topic sa mismong blog or sa buong website mo, chance na rin ito para kumita ka ng kaunti. (Check my search bar at top right side of this blog). 

Related: Blogging Tips

No comments:

Post a Comment